Ang entrepreneurship ay ang kakayahan ng isang tao na bumuo at magpatakbo ng sariling negosyo na may layuning kumita habang tinutugunan ang isang pangangailangan ng lipunan.Halimbawa, si Carlo ay gumagawa ng eco-bags gamit ang lumang t-shirts, at ibinibenta ito online. Isa siyang batang entrepreneur. Sa pagtuturo ng entrepreneurship sa mga kabataan, hinuhubog sila na maging mapanlikha, risk-taker, at solusyonaryo—hindi lang naghahanap ng trabaho, kundi lumilikha rin ng hanapbuhay para sa iba.Ito rin ay mahalaga sa paglutas ng kawalan ng trabaho at pagbibigay-laya sa mga kabataang may talento pero kulang sa oportunidad.