Ang labor productivity ay ang dami ng produkto o serbisyo na nagagawa ng isang manggagawa sa isang takdang oras. Kapag mataas ang productivity, ibig sabihin ay mas episyente ang paggawa.Halimbawa, kung si Kuya Elmer ay nakaka-tahi ng 20 sapatos sa isang araw gamit ang makinang de-paa, pero kapag binigyan siya ng makabagong makina ay kaya na niyang tumahi ng 40 pares, tumaas ang kanyang productivity.Mahalaga ang edukasyon at pagsasanay (training) upang mapataas ang kakayahan ng manggagawa. Gayundin, ang paggamit ng teknolohiya ay nagpapabilis ng trabaho at nagpapataas ng kita.