Ang shadow economy ay tumutukoy sa mga aktibidad pang-ekonomiya na hindi naitatala o hindi legal—gaya ng mga transaksyong walang resibo, iligal na bentahan, at hindi nagbabayad ng buwis.Halimbawa, ang mga illegal online sabong, smuggled na gadgets mula abroad, o mga unregistered na online seller ay bahagi ng shadow economy. Hindi sila nagbibigay ng buwis kaya’t nawawalan ng kita ang gobyerno.Bukod dito, wala ring proteksyon ang mga manggagawa sa sektor na ito. Kaya’t mahalaga ang pagpapalawak ng financial literacy at digital registration upang maisama sila sa pormal na ekonomiya.