Ang green jobs ay mga trabaho na tumutulong sa pangangalaga ng kapaligiran habang nagbibigay ng disenteng kita at oportunidad. Kasama rito ang mga sektor ng renewable energy, waste management, sustainable agriculture, at environmental education.Halimbawa, kung isang batang inhinyero ay nagtatrabaho sa solar panel installation, bahagi siya ng green jobs sector. Kung isa namang organic farmer na nagtuturo sa komunidad, green job din iyon.Sa Pilipinas, unti-unti nang lumalawak ang green jobs, lalo na sa turismo, agrikultura, at construction (hal. green buildings). Para sa kabataan, ito ay pagkakataong magkaruon ng trabaho na hindi lang para sa kita, kundi para rin sa kinabukasan ng planeta.