Ang digital divide ay tumutukoy sa agwat sa pagitan ng mga taong may access sa internet at teknolohiya, at sa mga wala nito. Ito ay nagdudulot ng hindi pagkakapantay-pantay sa oportunidad para sa edukasyon, trabaho, at impormasyon.Halimbawa, noong pandemic, maraming estudyante sa rural areas ang hindi makasabay sa online class dahil walang gadget, signal, o load. Samantalang ang mga nasa lungsod ay nakatapos na ng modules at may access sa Google Classroom at Zoom.Kapag hindi naresolba ang digital divide, lalong lalawak ang agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap sa aspetong edukasyon, negosyo, at trabaho.