Ang gig economy ay tumutukoy sa sistemang paggawa kung saan ang mga manggagawa ay kumikita sa pamamagitan ng short-term, freelance, o kontraktuwal na trabaho, imbes na full-time employment.Halimbawa, ang mga nagde-deliver para sa FoodPanda, mga content creator sa YouTube, o part-time virtual assistants sa Upwork ay bahagi ng gig economy. Sa Pilipinas, maraming kabataan ang sumusubok dito dahil flexible ang oras at hindi kailangan ng college degree.Bagama’t may kalayaan, may panganib din—tulad ng kawalan ng job security, benepisyo gaya ng SSS o PhilHealth, at hindi tiyak na kita. Kaya’t mahalaga na itinuturo ito sa paaralan bilang bahagi ng modernong karera.