Ang inflation targeting ay isang polisiya kung saan nagtatakda ang central bank ng layunin o target na antas ng inflation (halimbawa, 2–4%) at gumagawa ng hakbang upang mapanatili ito sa loob ng hangganan.Sa Pilipinas, ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang may tungkuling kontrolin ang inflation. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pagbabago sa interest rate, money supply, at mga patakaran sa bangko.Halimbawa, kung biglang tumaas ang presyo ng bilihin, maaaring itaas ng BSP ang interest rate upang bumagal ang paggastos. Kapag kontrolado ang inflation, mas ligtas ang kabuhayan ng mamamayan, lalo na ang mga minimum wage earners.