Ang balance of payments (BOP) ay isang talaan ng lahat ng transaksyong pinansyal ng isang bansa sa ibang bansa. Dito tinitingnan kung mas marami ba tayong kita sa ibang bansa kaysa sa gastos.Kasama rito ang export/import, remittances, foreign aid, at utang panlabas. Halimbawa, kung mas marami tayong kita mula sa OFW remittances, exports, at foreign investments kaysa sa gastos sa imports at bayad sa utang, may BOP surplus tayo. Kapag kabaligtaran, may BOP deficit. Mahalaga ito upang malaman kung malusog ang panlabas na kalakalan ng bansa.