Ang social safety nets ay mga programa ng gobyerno na layuning protektahan ang mga mamamayang nasa laylayan ng lipunan laban sa matinding kahirapan, gutom, at sakuna. Kabilang dito ang tulong pinansyal, pagkain, edukasyon, at serbisyong pangkalusugan.Halimbawa, ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang social safety net. Binibigyan ng buwanang tulong pinansyal ang mga mahihirap na pamilya kapalit ng pagpapatuloy ng edukasyon ng anak at regular na pagpapatingin sa health center. Sa ganitong paraan, natutulungan silang makaahon sa kahirapan habang pinapalakas ang kakayahan nilang maging produktibong mamamayan.