Ang sustainable development ay ang uri ng pag-unlad na tumutugon sa kasalukuyang pangangailangan nang hindi isinasakripisyo ang kakayahan ng susunod na henerasyon na matugunan ang kanila. Sa ekonomiks, ibig sabihin nito ay paggamit ng yaman na hindi nakakasira sa kalikasan o lipunan.Halimbawa, kung tayo ay magmimina ng ginto sa Benguet, pero hindi natin naayos ang kalikasan, maaaring mawalan ng kabuhayan ang susunod na henerasyon. Pero kung magmimina tayo nang may regulasyon, reforestation, at pag-aaral ng epekto sa kapaligiran, maituturing itong sustainable.Ganitong prinsipyo ang sinusunod sa renewable energy (solar, hydro), sustainable farming, at green architecture.