Ang subsidized goods ay mga produkto na binabawasan ng gobyerno ang tunay na presyo sa pamamagitan ng suporta pinansyal, upang maging abot-kaya sa mga mamamayan.Halimbawa, ang NFA rice ay ibinebenta sa mas murang halaga kaysa sa regular na bigas sa palengke. Bakit? Dahil sinusuportahan ito ng gobyerno upang matiyak na kahit ang pinakamahirap na pamilya ay may access sa pangunahing pagkain. Kapag walang subsidy, maaaring hindi kayanin ng mahihirap ang presyo ng bigas, gatas, o gamot.