Ang economic liberalization ay ang pagbubukas ng ekonomiya sa mga dayuhang pamumuhunan, kalakalan, at kompetisyon sa layuning pasiglahin ang negosyo, trabaho, at inobasyon. Kasama rito ang pagbawas ng regulasyon, pagtatanggal ng limitasyon sa pag-aari, at pagbubukas sa foreign investors.Halimbawa, sa Pilipinas, isinabatas ang Public Service Act Amendments, na nagpapahintulot sa 100% foreign ownership sa ilang industriya tulad ng telecommunications at transport. Layunin nitong palakasin ang kompetisyon, ibaba ang presyo ng serbisyo, at palawakin ang oportunidad.Gayunpaman, may pangamba rin na maaaring maapektuhan ang lokal na negosyo at kontrol sa pambansang serbisyo.