Ang black market ay ilegal na pamilihan kung saan ang mga produkto o serbisyo ay ibinebenta sa labas ng opisyal na regulasyon o hindi pinapayagan ng batas. Madalas itong lumilitaw kapag may mga quota, embargo, o price ceiling.Halimbawa, noong panahon ng pandemya, naging talamak ang bentahan ng overpriced na face mask o gamot sa social media kahit ipinagbabawal. Kapag kulang ang supply at may kontrol ang gobyerno sa presyo, may mga taong sinusubukang kumita sa ilegal na paraan. Delikado ito dahil walang quality check, nakakaiwas sa buwis, at kadalasang mapanlinlang.