Ang economic policy ay tumutukoy sa kabuuang plano at direksyon ng pamahalaan para sa ekonomiya ng bansa. Kabilang dito ang mga batas at hakbangin para sa buwis, gastusin, kalakalan, trabaho, at negosyo. Sa Pilipinas, ito ay ginagawa ng National Economic and Development Authority (NEDA) kasama ng mga sangay tulad ng DOF, BSP, at DTI.Halimbawa, ang Build Build Build program ay bahagi ng economic policy para mapaunlad ang imprastruktura at lumikha ng trabaho. Sa pamamagitan ng tamang polisiya, natutugunan ang problema sa kahirapan, inflation, at unemployment.