Ang price ceiling ay ang pinakamataas na presyo na pinapayagan ng pamahalaan para sa isang produkto, lalo na kapag ito ay basic necessity. Ipinapatupad ito upang maprotektahan ang mga mamimili laban sa sobrang taas ng presyo, lalo na sa panahon ng kalamidad o krisis.Halimbawa, noong pandemya, nagtakda ang Department of Trade and Industry ng price ceiling sa alkohol at face masks para hindi abusuhin ng mga negosyante ang presyo. Ngunit kapag masyadong mababa ang ceiling, maaaring mawalan ng supply o magkaroon ng hoarding.