Ang demand ay ang dami ng produkto o serbisyo na kaya at gustong bilhin ng mamimili sa isang takdang presyo at panahon. Hindi lahat ng kagustuhan ay demand—ang demand ay may kasamang kakayahang bumili.Halimbawa, maraming estudyante ang gustong magkaroon ng iPhone, pero kung wala silang pera para dito, hindi ito itinuturing na demand. Kung ang isang produkto ay mura at may kita ang mamimili, mas malaki ang demand. Ang pagtaas o pagbaba ng demand ay may direktang epekto sa presyo ng mga produkto.