Ang trade barrier ay mga hadlang na ipinapataw ng pamahalaan upang limitahan o kontrolin ang pagpasok ng mga produkto mula sa ibang bansa. Kabilang dito ang buwis (tariff), limitasyon sa dami (quota), at total na pagbabawal (embargo).Halimbawa, kapag sobra ang imported na sibuyas sa bansa, maaaring magpataw ang Department of Agriculture ng quota o mataas na buwis upang maprotektahan ang lokal na magsasaka. Ang layunin ng trade barriers ay mapanatiling buhay ang sariling industriya, maiwasan ang sobrang pag-asa sa dayuhang produkto, at masigurong may trabaho ang mga lokal na manggagawa.