Ang price floor ay ang pinakamababang presyo na pinapayagan ng pamahalaan para sa isang produkto. Layunin nitong protektahan ang mga prodyuser laban sa sobrang pagbagsak ng presyo na maaaring magdulot ng pagkalugi.Halimbawa, itinakda ng gobyerno ang minimum na presyo ng palay para sa mga magsasaka upang hindi sila malugi kahit bumaba ang demand. Kung walang price floor, maaaring baratin ang produkto ng mga middlemen. Sa pamamagitan nito, nabibigyan ng seguridad ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.