Ang batas ng supply at demand ay nagsasaad na ang presyo ng isang produkto ay naaapektuhan ng interaksyon ng dami ng supply at demand. Kapag mataas ang demand ngunit mababa ang supply, tumataas ang presyo. Kapag sobra ang supply ngunit kaunti ang demand, bumababa ang presyo.Halimbawa, sa panahon ng tag-ulan, kaunti ang ani ng gulay, kaya tumataas ang presyo. Ngunit sa panahon ng anihan, kapag sobra ang gulay sa palengke, bumababa naman ang presyo. Sa ganitong paraan, natural na naaayos ng merkado ang presyo ng mga produkto.