Ang income inequality ay ang hindi pantay na pamamahagi ng kita sa pagitan ng mga mamamayan sa isang bansa. Kapag ang maliit na porsyento ng populasyon ay kumokontrol sa malaking bahagi ng yaman, habang ang karamihan ay naghihirap, matindi ang income inequality.Halimbawa, sa Pilipinas, may mga bilyonaryo na may mga mansyon, luxury cars, at offshore accounts, habang maraming mamamayan ay walang sariling bahay o hanapbuhay. Kapag hindi naayos ang income inequality, nagkakaroon ng tensyon, kriminalidad, at social unrest. Kailangan ito solusyunan sa pamamagitan ng edukasyon, buwis, at serbisyong panlipunan.