Ang nominal GDP ay ang kabuuang halaga ng produksyon sa kasalukuyang presyo, habang ang real GDP ay sinusukat base sa presyo ng nakaraang taon (constant prices), kaya’t mas malinis itong batayan sa tunay na paglago.Halimbawa, kung ang Pilipinas ay may GDP na ₱20 trilyon ngayong taon, pero dahil tumaas ang presyo ng bilihin (inflation), maaaring hindi ito talaga paglago ng ekonomiya kundi epekto lang ng pagtaas ng presyo. Sa ganitong kaso, ginagamit ang real GDP upang makita kung lumago ba talaga ang produksyon, hindi lang presyo. Kaya mas ginagamit ng mga ekonomista ang real GDP upang matukoy ang tunay na pagbabago sa kabuhayan.