Ang investment ay ang paggamit ng pera upang kumita ng mas malaki sa hinaharap. Hindi ito simpleng pag-iipon; ito ay ang paglalagay ng pera sa negosyo, ari-arian, o financial instruments upang mapalago ang yaman.Halimbawa, kung nag-ipon ka ng ₱5,000 sa bangko, ito ay pagtitipid. Pero kung ginamit mo ang ₱5,000 upang bumili ng materyales sa paggawa ng tote bags at ibinenta mo ito online at kumita ng ₱10,000, ito ay investment. Ang mga magulang na nagpapaaral sa anak ay isa ring uri ng investment—hindi agad kita, pero sa hinaharap ay may balik ito sa anyo ng magandang trabaho at buhay.