Ang monetary policy ay mga hakbang ng pamahalaan upang kontrolin ang dami ng pera na umiikot sa ekonomiya, karaniwang gamit ang interest rate at money supply. Sa Pilipinas, ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang may tungkuling magpatupad nito.Halimbawa, kapag mataas ang inflation, maaaring itaas ng BSP ang interest rate upang mabawasan ang pag-utang at paggastos ng tao. Kapag mababa naman ang galaw ng ekonomiya, binababa ang interest rate para mas hikayatin ang negosyo at konsumo. Ang layunin ay panatilihing matatag ang presyo at palakasin ang ekonomiya.