Ang fiscal policy ay mga hakbang ng pamahalaan patungkol sa paggasta (government spending) at paglikom ng buwis (taxation) upang impluwensyahan ang takbo ng ekonomiya. Kabaligtaran ito ng monetary policy, na nakatuon sa pera at interest rate.Halimbawa, kung gusto ng gobyerno na pasiglahin ang ekonomiya, tataasan nito ang budget para sa imprastruktura, tulad ng Build Build Build Program. Sa kabilang banda, kung kailangan ng mas maraming kita, maaaring magtaas ng buwis sa yosi, alak, o online sellers. Parehong ginagamit ang fiscal at monetary policy para kontrolin ang inflation, employment, at paglago ng ekonomiya.