Ang economic equity ay tumutukoy sa patas at makatarungang pamamahagi ng kita, yaman, at oportunidad sa isang ekonomiya. Hindi ito nangangahulugang pantay-pantay ang suweldo o kita, kundi tinitiyak lamang nito na walang lubos na napag-iiwanan sa lipunan.Halimbawa, sa Pilipinas, maraming mga lugar sa probinsya tulad ng Maguindanao at Samar ang kulang sa oportunidad, paaralan, at serbisyong medikal. Kahit mataas ang kita ng ilang sektor, tulad ng BGC o Makati, kung ang ibang rehiyon ay nananatiling mahirap, hindi ito equitable o pantay. Ang layunin ng economic equity ay bigyang suporta ang marginalized sector gaya ng 4Ps beneficiaries, IP groups, at urban poor.