Ang market failure ay ang sitwasyon kung saan ang merkado ay hindi nakakagawa ng episyenteng alokasyon ng mga yaman. Ibig sabihin, may nasasayang na yaman, may hindi nabibigyan ng serbisyo, o may masyadong mataas o mababang presyo.Halimbawa, ang kakulangan sa murang pabahay sa mga lungsod ay isang uri ng market failure. Kahit maraming developer, hindi sila lumikha ng abot-kayang bahay para sa mahihirap dahil mas malaki ang kita sa high-end subdivisions. Isa pang halimbawa ay polusyon—kung saan ang mga pabrika ay nakakaapekto sa kalikasan pero hindi sila pinaparusahan. Sa mga ganitong kaso, kailangang pumasok ang gobyerno upang ayusin ang sistema sa pamamagitan ng regulasyon, buwis, o tulong.