Ang subsidy ay ang tulong-pinansyal mula sa pamahalaan sa mga sektor na kailangang suportahan, gaya ng agrikultura, edukasyon, o kalusugan. Layunin nitong bawasan ang gastos ng produksyon at mapanatili ang abot-kayang presyo ng produkto o serbisyo.Halimbawa, binibigyan ng subsidy ang mga magsasaka ng pataba, binhi, at irigasyon sa ilalim ng DA (Department of Agriculture) upang mapababa ang gastos sa pagtatanim at mapanatiling mura ang bigas sa palengke. Sa edukasyon naman, ang Libreng Tuition Law ay halimbawa ng subsidy na nagpapagaan sa gastusin ng mga estudyanteng Pilipino.