Ang price o presyo ay ang halaga ng isang produkto o serbisyo sa pera na tinatanggap ng nagbebenta at binabayaran ng mamimili. Ito ay isang pangunahing signal sa merkado na nagdidikta kung ano ang dapat gawin ng mga mamimili at prodyuser.Halimbawa, kung tumaas ang presyo ng itlog mula ₱6 hanggang ₱10 kada piraso, maaaring kumonti ang bumibili at maghanap ng alternatibong pagkain gaya ng tinapa o sardinas. Samantala, ang mga manok na nangingitlog ay magiging mas mahalaga sa mga poultry farm. Sa ganitong paraan, ang presyo ay nagsisilbing “communicator” sa pagitan ng supply at demand.