Ang embargo ay isang ganap na pagbabawal ng pakikipagkalakalan sa isang bansa. Karaniwang ginagamit ito bilang parusa sa mga bansang may alitan sa pulitika o lumalabag sa karapatang pantao.Halimbawa, matagal nang may embargo ang Estados Unidos laban sa Cuba matapos ang rebolusyong komunista roon. Ibig sabihin, hindi pwedeng makipagpalitan ng produkto o serbisyo sa pagitan ng dalawang bansa.Sa pandaigdigang kalakalan, ang embargo ay parang “block” sa isang kausap—matinding hakbang ito na may malaking epekto sa ekonomiya ng parehong bansa.