Ang capitalism ay isang sistemang pang-ekonomiya kung saan ang mga indibidwal at pribadong sektor ang may kontrol sa produksyon, presyo, at pag-aari. Binibigyang halaga nito ang kompetisyon, pribadong pag-aari, at kalayaan sa negosyo.Halimbawa, sa Pilipinas, kahit may ilang regulasyon ang gobyerno, karamihan sa negosyo ay hawak ng pribadong sektor—mga fast food chain, convenience store, online sellers—silang lahat ay bahagi ng capitalist system.Samantalang sa socialism, mas aktibo ang gobyerno sa pagmamay-ari ng mga mahahalagang industriya at sa pamamahagi ng yaman upang mabawasan ang hindi pagkakapantay-pantay. Sa mga bansang tulad ng Norway o France, libre ang edukasyon at healthcare dahil kinokolekta ng gobyerno ang mas mataas na buwis mula sa mayayaman para matulungan ang mas mahihirap.