Ang traditional economy ay isang sistemang pangkabuhayan na nakabatay sa kultura, kaugalian, at kasaysayan ng isang komunidad. Sa ganitong sistema, ang paraan ng produksyon at pamamahagi ay paulit-ulit at hindi gaanong nagbabago.Halimbawa, sa mga katutubong komunidad gaya ng mga Aeta o Mangyan, ang pamumuhay ay umiikot sa pangangaso, pagtatanim, at pagpapalitan ng produkto (barter). Wala silang modernong pamilihan at ang mga desisyon ay naaayon sa nakagisnan ng kanilang grupo.Bagama’t payak at simple ang ganitong sistema, nahihirapan itong makisabay sa modernisasyon lalo na sa edukasyon, teknolohiya, at kalusugan.