Ang command economy ay isang sistemang pang-ekonomiya kung saan ang pamahalaan ang may ganap na kontrol sa lahat ng aspekto ng ekonomiya: kung ano ang ipoproduce, paano ito gagawin, at para kanino ito. Sa ganitong sistema, kadalasan ay wala masyadong kalayaan ang pribadong sektor.Halimbawa, ang North Korea ay isang command economy. Ang pamahalaan ang nagtatakda ng presyo ng bigas, sweldo ng manggagawa, at kung anong produkto ang dapat iprodyus ng bawat pabrika. Wala gaanong espasyo para sa personal na negosyo o kompetisyon.Bagama’t mabilis ang paggawa ng mga proyekto sa ganitong sistema, kadalasan ay mababa ang kalidad, kulang sa inobasyon, at limitado ang kalayaan ng mga mamamayan.