Ang comparative advantage ay ang kakayahan ng isang bansa na makagawa ng isang produkto sa mas mababang opportunity cost kaysa sa ibang bansa. Hindi kailangan na siya ang pinakamahusay; basta’t siya ang may pinakamababang isinasakripisyo, siya ang may comparative advantage.Halimbawa, mas mura at mas mabilis makagawa ng t-shirt ang mga pabrika sa Bangladesh kaysa sa Amerika. Kahit kaya rin ng U.S. gumawa ng t-shirt, mas makabubuting ibigay ito sa Bangladesh upang magpokus ang U.S. sa paggawa ng teknolohiyang pangkalusugan o pang-industriya. Sa parehong paraan, ang Pilipinas ay may comparative advantage sa serbisyo gaya ng call centers dahil marami tayong English-speaking workers. Sa pamamagitan ng comparative advantage, parehong nakikinabang ang mga bansang nagtutulungan.