Ang marginal benefit ay ang karagdagang pakinabang o benepisyo na makukuha mo sa paggawa ng isang dagdag na yunit ng produkto o aktibidad. Sa madaling sabi, ito ang halaga ng dagdag na kasiyahan, kita, o gamit na makukuha mo sa bawat karagdagang hakbang.Halimbawa, kung ang isang estudyante ay nag-aaral ng 1 oras at nakakuha ng 85 sa pagsûsulit, at kung mag-aaral siya ng isa pang oras ay maaaring makakuha siya ng 90, ang dagdag na 5 puntos ay ang marginal benefit ng isa pang oras ng pag-aaral. Kung sa tingin niya ay sulit iyon para sa mas mataas na grado o para mapabilang sa honor roll, ipagpapatuloy niya ang pag-aaral. Ganito gumagana ang marginal benefit sa totoong buhay.