Sa ekonomiks, ang utility ay tumutukoy sa kasiyahan o satisfaction na nararamdaman ng tao sa pagkonsumo ng isang produkto o serbisyo. Ang utility ay hindi nasusukat sa pisikal na paraan, pero mahalaga ito sa pagpapasya kung alin ang mas kapaki-pakinabang.Halimbawa, kung nakakaramdam ka ng matinding uhaw at bumili ka ng malamig na tubig, ang unang lagok ay may mataas na utility. Pero habang paulit-ulit kang umiinom at busog ka na, bumababa na ang kasiyahan mo. Sa huli, baka hindi mo na maubos. Ito ay tinatawag na diminishing marginal utility—bumababa ang utility sa bawat karagdagang gamit o konsumo. Mahalaga ito sa paggawa ng desisyong pampersonal o pangnegosyo.