Ang entrepreneurship ay ang kakayahan ng isang tao na pagsamahin ang lupa, paggawa, at kapital upang makalikha ng negosyo o makabuo ng bagong produkto o serbisyo. Ang entrepreneur ay hindi lang basta negosyante—siya ang risk-taker, innovator, at gumagawa ng bagong solusyon sa lumang problema.Halimbawa, si Aling Màrites ay dating may maliit na karinderya. Sa panahon ng pandemya, natutunan niyang gumamit ng social media at online delivery apps para maipadala ang ulam sa bahay ng mga customer. Sa pamamagitan ng kanyang inisyatibo, lumago ang kanyang negosyo, nakapagbigay siya ng trabaho sa iba, at nakatulong sa komunidad. Ang entrepreneurship ay mahalaga dahil nagdadala ito ng pagbabago, kabuhayan, at pag-unlad.