Ang pananaliksik ay mahalaga sa panahon ng digital na impormasyon dahil ito ang paraan upang makakuha ng tamang kaalaman, mapatunayan ang mga ideya, at makabuo ng makatotohanang resulta. Sa dami ng impormasyon online, mahalagang magsaliksik nang maayos upang hindi malito o mapaniwala sa maling datos.Ang citation naman ay mahalaga upang kilalanin ang pinanggalingan ng impormasyon, maiwasan ang plagiarism, at bigyan ng kredito ang orihinal na may-akda. Ito rin ay nagbibigay ng kredibilidad sa iyong gawa at nagpapakita ng respeto sa intelektwal na pag-aari ng iba.