Kapag kailangan kong magdesisyon para sa kalusugan ko mag-isa, parang ang bigat sa dibdib. Hindi dahil sa mismong desisyon, kundi dahil sa pakiramdam na wala akong mapagtanungan o makausap na makakatulong maglinaw ng isip. Mahirap siya para sa akin, lalo na kung seryoso ang kalagayan—yung tipong kailangan mong pumili kung pupunta ka na ba sa doktor, kung iinom ka ba ng gamot na hindi mo kabisado, o kung magpapa-ospital ka na ba.Minsan, dinadalaw ako ng pag-aalinlangan: "Tama ba 'tong ginagawa ko? Baka mali, baka lumala." Walang reassurance, walang comfort, kaya doble ang pagod—sa katawan at sa isip. Pero kahit mahirap, natututo rin akong pakinggan ang sarili kong katawan, at matutong magtiwala sa sarili kong desisyon.