Planet Orbits Ang Mercury at Venus ang mga planetang nakikita bilang morning stars o evening stars.Ang Mercury at Venus ay tinatawag na morning stars o evening stars dahil nakikita lang sila malapit sa Araw, kaya bago sumikat o pagkalubog ng Araw lang sila makikita.Hindi sila makikita sa kalagitnaan ng gabi dahil ang orbit nila ay mas malapit sa Araw kumpara sa Earth.Ang Mercury at Venus ay tinatawag na inferior planets dahil ang kanilang orbit ay mas malapit sa Araw kaysa sa orbit ng Earth.Ang Mars, Jupiter, Saturn, at iba pang planeta na mas malayo ang orbit sa Araw kaysa sa Earth ay tinatawag na superior planets.(Makikita sa unang larawan sa ibaba ang pagkakaayos ng kanilang mga orbits)Jupiter vs SaturnMoons of Jupiter key features Io – May active volcanoes, pinaka-volcanic moon sa solar system.Europa – May subsurface ocean na posibleng may buhay.Ganymede – Pinakamalaking buwan sa solar system, may magnetic field.Moons of Saturn key features Titan – may thick atmosphere at may mga likidong methane lakes.Enceladus – May subsurface ocean at icy surface, nagpapalabas ng water plumes/geysers.Iapetus – May two-tone coloring sa isang bahagi ay maliwanag, sa isang bahagi ay madilim.Ang Jupiter at Saturn ay pinakamalalaking planeta sa solar system. Pareho silang may malalaking moon systems na na-obserbahan sa pamamagitan ng Galileo (para kay Jupiter) at Cassini (para kay Saturn) missions.