Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Pagsasabuhay) awain 5: Ang sumusunod ay mahahalagang konsepto tungkol sekswalidad at sa tunay na pagmamahal. Bigyan ng kahulugan batay sa naging pagkatuto mo sa aralin/paksa. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Tanda ng isang mapanagutan o responsableng kabataan ang pag-iwas sa sekswal na ugnayan. Ang paggalang sa sekswalidad ng tao ay nagpapakita ng paggalang sa kaniyang dignidad at pagkatao. Kapag mahal mo ang isang tao, hindi kailangang magpadala sa iyong damdamin at huwag hayaang humantong sa pakikipag-ugnayang sekswal ang lahat.