Ang napiling kong commercial para sa activity na ito ay ang isa sa mga video ads ng Pampanga's Best sa serye na Bestserye.Ang tema ay maaaring tungkol sa pagmamahal sa pamilya, lalo na sa mga pagkakataong may miyembro na nasa ibang bansa. Sa video ay makikita natin na ang pamilya ng OFW ay nag-celebrate ng birthday ng mama nila sa pamamagitan ng videocall. Ang commercial ay maaring nagpapaalala sa mga sakripisyo at paghihirap ng mga OFW (Overseas Filipino Workers) para sa kanilang pamilya.Kasama dito ang mag-asawa at ang kanilang dalawang anak. Ang tatay ay nasa ibang bansa habang ang nanay naman ay kasama ang dalawa nilang anak. Ang mga damdaming naipadama nila ay pagmamahal, pangungulila, pag-asa, at determinasyon dahil sa kanilang relasyon sa isa't-isa.Ang karaniwang dahilan ay upang magtrabaho at kumita ng pera para suportahan ang pamilya. Ito ay para magkaroon ng mas magandang oportunidad at kinabukasan ang kanilang mga mahal sa buhay.Ang tanging nag-uugnay sa kanila ay ang pagmamahal at komunikasyon. Ang pagpapadala ng pera at pagtawag sa pamamagitan ng teknolohiya ay nagpapatatag sa kanilang ugnayan.Ang mga sakripisyo ay kinabibilangan ng paglayo sa pamilya, pagtitiis ng hirap sa ibang bansa, at hindi nakakasama sa mahahalagang okasyon. Ang mga anak ay nagsasakripisyo rin sa pamamagitan ng pag-unawa sa kanilang mga magulang at pagiging masipag sa pag-aaral.