ayon sa genesis, ang tao ay nilikha ng diyos ayon sa kanyang wangis (genesis 1:26-27). ibig sabihin, tayo ay may kakayahang mag-isip, makaramdam, at pumili ng tama at mali, na hindi taglay ng ibang nilikha. sa aklat ng awit, ipinapakita na ang tao ay may natatanging halaga sa diyos. sinasabi sa awit 8:4-6 na bagaman maliit tayo kumpara sa sanlibutan, pinagkalooban tayo ng diyos ng karangalan at kapangyarihang mamuno sa kanyang mga nilikha. sa kabuuan, ang tao ay naiiba dahil may talino, konsensya, at tungkuling mag-alaga sa mundo.