Answer:Ang People Power Revolution, ng 1986 ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaduryang pamumuno ni Ferdinand Marcos, lalo na noong napaslang si Ninoy Aquino noong 1983. Maraming mga tao ang nakilahok dito. Nagdulot ito ng pagbagsak sa pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos.
Ang EDSA People Power Revolution, na kilala rin bilang EDSA Revolution o People Power Revolution, ay isang serye ng mga demonstrasyon ng mga mamamayan sa Pilipinas, karamihan sa Metro Manila, mula Pebrero 22 hanggang 25, 1986.