DIGITAL LITERACY1. Gumamit ng Tiyak na Mga KeywordGumamit ng mga tiyak at malinaw na keyword upang makakuha ng mas eksaktong sagot.Halimbawa:Hindi tiyak: klima sa PilipinasTiyak: klima sa Pilipinas noong Marso 20242. Gumamit ng Mga Operator sa PaghahanapGamitin ang quotation marks (" ") upang maghanap ng eksaktong parirala.Halimbawa: "Sanaysay tungkol sa wika"Gamitin ang minus sign (-) upang alisin ang hindi gustong resulta.Halimbawa:Apple-prutas (Para sa kompanyang Apple, hindi sa prutas)Gamitin ang site: upang maghanap sa isang partikular na website.Halimbawa: Bagyong Yolanda site:gov.ph (Para sa impormasyon mula sa gobyerno)3. Gumamit ng Advanced Search ng GooglePumunta sa Google Advanced Search upang i-filter ang mga resulta ayon sa wika, rehiyon, petsa, at iba pa.4. Gumamit ng Maaasahang WebsiteMas mainam na kumuha ng impormasyon mula sa .gov, .edu, o mga kilalang website kaysa sa hindi mapagkakatiwalaang blog o forum.5. Gamitin ang Mga Kaugnay na PaghahanapSa ilalim ng pahina ng Google search, makikita ang mga kaugnay na paghahanap na maaaring makatulong sa mas epektibong resulta.