Ang nais kong solusyonan ay ang problema sa basura. Dapat may tamang pagtatapon at pagreresiklo upang mabawasan ang dumi sa kapaligiran. Kailangang maturuan ang tao sa pangangalaga ng kalikasan at magkaroon ng disiplina sa pagtatapon ng basura. Mahalaga ito upang mapanatili ang kalinisan at maiwasan ang sakit at pagbaha. Makakatulong din ang sama-samang paglilinis ng kapaligiran upang maging maayos at ligtas ang ating bayan.