Ang tamang pamamahala ng pera ngayon ay makakatulong para sa edukasyon ng mga anak, pagbili ng bahay, pagtayo ng negosyo, at maayos na pagreretiro.Ang kinikita ng isang Overseas Filipino Worker ay hindi pang-habambuhay. Ito ay may kaakibat itong sakripisyo, at mahalaga para sa kinabukasan ng pamilya. Kapag hindi inipon ng maayos ang pera at puro paggastos lamang sa mga bagay na hindi kinakailangan, madaling mauubos ang buwanang padala ng isang OFW gaano man ito kalaki.