Answer:Magandang Araw.Ito ang ating gawain ngayon sa ESP para sa araw ng Lunes Marso 18,2025 * Aralin at Sagutin ang mga katanungan sa inyong isipan upang maunawaan ang aralin. 1.Kung mailalarawan mo ang pagmamahal ng Diyos, saan mo ito maihahambing? 2.Isipin mong mabuti. Kapag ikaw ay nagkamali, pinagsasabihan ka ng iyong mga magulang. Bakit nila ito ginagawa? Itinatama lamang nila ang iyong maling kilos at gawi. Ipinauunawa nila sa iyo ito upang hindi ka na ulit magkamali. 3.Ang pagmamahal ng Diyos ay wagas at hindi nagbabago kailanman at kanino man. Mula sa ating pagkasilang hanggang sa tayo ay bawian ng buhay, hindi tayo iniiwan ng Diyos, maging sa panahon ng kalungkutan o mga suliranin. 4.Sagutin ang tanong na : Bakit sinasabing ang Diyos ay pag-ibig( Isulat ang inyong sagot at paliwanag sa intermidiate pad)