In World Languages /
Senior High School |
2025-03-16
Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Wars? 1.) Ano ang dahilan ng Digmaang Muslim o Moro A.) Gusto ng mga Espanyol na sakupin ang teritoryo ng mga Muslim. B.) Kinilala ng mga Muslim ang kapangyarihan ng mga Espanyol. C.) Gustong makuha ng mga Muslim ang mga makabagong armas ng mga Espanyol. 2.) Anong katangian ang ipinamalas ng mga Pilipinong Muslim na nakipaglaban sa mga Espanyol? A.) Kasipagan B.) Katapangan C.) Katalinuhan 3.) Bakit hindi tuluyang nasakop ng Espanyol ang kabuuan ng Mindanao? A.) Malawak ang lugar na ito. B.) Walang sasakyan ang mga Espanyol patungo dito. C.) Nagkakaisa ang mga Muslim para kalabanin ang mga Espanyol. 4.) Ano ang pinahalagahan ng mga Muslim kaya hindi nagtagumpay ang panakop sa kanila? A.) Kristiyanismo B.) Kalayaan C.) Kapangyarihan ng dayuhan 5.) Bakit nabigo ang mga Espanyol sa pagsalakay nila sa kuta ng mga katutubong Muslim? A.) Dahil pinapaulanan sila ng mga bala ng baril. B.) Dahil pinapaligiran sila ng mga malalaking bato. C.) Dahil sinasalubong sila ng mga kawayang palaso na may lason. 6.) Ang pag-aalsa ni Dagohoy ay tinaguriang pinakamahabang pag-aalsa. Bakit kaya nagtagal ito? A.) Dahil sa pagtutol ng pari na bigyan ng marangal na libing ang kanyang kapatid. B.) Dahil maraming Espanyol na kampi sa kanya. C.) Dahil sa makabagong armas.
Asked by rizalynabayon147