HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In History / Elementary School | 2025-03-11

source ng political background ni bam aquino and Heidi?

Asked by maloibini2012

Answer (1)

Bam AquinoPolitical BackgroundMula 1999-2000, habang nag-aaral ng abogasya, siya ay aktibo sa Special Projects Group ng ABS-CBN Foundation kung saan sila ay tumutulong sa mga rehabilitation centers para sa mga kabataang inabuso o inabandona, sa disaster management and relief operations, at sa volunteer recruitment para sa iba't-ibang mga proyekto.Naging Chairman ng National Youth Commission mula 2003-2006, pagkatapos niyang mag-aral ng abogasya.Siya ang naging presidente ng MicroVentures Incorporated mula 2007-2012. Ang layunin ng enterprise na ito ay mabigyan o mahanapan ng investors ang maliliit na mga negosyo upang mabigyan ng pagkakataon na lumago ang mga ito. Isa sa mga pangunahing tinutulungan nila sa Pilipinas ay ang mga kababaihan.Nahalal bilang senador noong 2013, at naging pinakabatang senador sa ika-16 Kongreso ng Pilipinas.Naging Deputy Minority Leader ng Senado hanggang sa pagtatapos ng kaniyang termino noong 2019.Kasalukuyang isang kandidato para sa pagka-senador ngayon 2025.AchievementsNag-author at nag-sponsor ng mga batas tulad ng Philippine Competition Act, Innovative Start-Up Act, at Universal Access to Quality Tertiary Education Act.Isa sa mga nabanggit na batas sa taas ang naging daan upang maging libre ang kolehiyo sa mga pampublikong unibersidad.Nagbigay ng suporta sa mga kabataan at mahihirap sa pamamagitan ng mga programa sa edukasyon at teknolohiya.AdvocaciesGood Governance - Nakatuon sa pagpapabuti ng pamamahala at pagbabawal ng korupsiyon.Empowerment ng Kabataan - Nagtataguyod ng mga programa para sa kabataan at mahihirap.Heidi MendozaPolitical BackgroundNagtrabaho sa Asian Development Bank, isang pinansyal na institution na ang layunin ay makatulong sa pagpapabuti at pagpapa-unlad ng mga bansa sa Asya. Isa sa mga ginagawa nito ay  ang pagsuporta sa ekonomiya at paniniguradong mapopondohan at matatapos ang mga proyektong nakalaan para sa imprastraktura, edukasyon, kalusugan, at agrikultura.Nagsilbing Commissioner ng Commission on Audit ng Pilipinas mula 2011-2015.Nagsilbi bilang Undersecretary-General para sa Internal Oversight Services ng United Nations.Kasalukuyang isang kandidato para sa pagka-senador ngayon 2025.AchievementsNakilala sa pag-expose ng mga anomaliya sa gobyerno.Nagtaguyod ng transparency at budget literacy para sa mga nagtatrabaho sa gobyerno at naninilbihan sa publiko.Nakatuon sa pagbabawal ng pork barrel at pagpapalakad ng wastong paggastos ng pondo ng gobyerno.Pagsusulong ng public awareness and education may kinalaman sa mga gawain ng gobyerno.AdvocaciesBudget Literacy - Pagsusulong ng edukasyon at kamalayan ng mga mamamayan may kinalaman sa pagba-budget at paggastos ng gobyerno sa pera ng bayan.Anti-Korupsiyon - Nakatuon sa pagaalis ng mga kalakaran na nagpapalala o nagiging daan para sa korupsiyon at pagnanakaw sa bayan, at pagpapalakad ng wastong pamamahala.

Answered by GreatGatsby | 2025-03-20