Ang poster ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakapantay-pantay ng kasarian at responsableng pagtingin sa sekswalidad. Ang timbangan sa gitna na may simbolo ng lalaki at babae ay sumisimbolo sa pantay na karapatan at respeto sa isa't isa. Ang makulay na disenyo ay maaaring nangangahulugan ng pagiging bukas sa usapin ng kasarian, ngunit may gabay at tamang edukasyon. Hinahatid ng mensahe ng poster ang paghikayat sa mga kabataan na maging maingat at responsable sa kanilang mga desisyon patungkol sa sekswalidad. Mahalaga ang wastong kaalaman upang maiwasan ang negatibong epekto tulad ng teenage pregnancy, sexually transmitted diseases, at diskriminasyon. Ipinapakita rin nito na dapat magkaroon ng tamang edukasyon at suporta mula sa pamilya at paaralan upang gabayan ang kabataan sa tamang landas.